MAPA (Wakas At Simula) Songtext

SB19

von Wakas at Simula

MAPA (Wakas At Simula) Songtext
Mama, kamusta na?
'Di na tayo laging nagkikita
Miss na kita, sobra
Lagi na lang kami ang nauuna
Ngayon naman ikaw na muna
Akin na'ng pangamba

Dahil ikaw ang aking mata
Sa t'wing mundo'y nag-iiba
Ang dahilan ng aking paghinga

Kaya 'wag mag-alala, ipikit ang 'yong mata
Tahan na, pahinga muna, ako na'ng bahala
Labis pa sa labis ang 'yong nagawa
Mama, pahinga muna, ako na

La-ta-ra-ta-ra, la-ta-ra-ta-ra
La-ta-ra-ta-ra-ta-ra, la-ta-ra, la-ta
La-ta-ra-ta-ra, la-ta-ra-ta-ra
La-ta-ra-ta-ra-ta-ra, la-ta-ra, la-ta

Papa, naalala mo pa ba, yeah
Nung ako ay bata pa, 'di ba?
Aking puso'y iyong hinanda
Sa mga bagay na buhay ang may dala
Dala ko ang 'yong bawat payo
At hanggang sa dulo, magkalayo man tayo
Ako'y tatayo, pangako, tatay ko

Dahil ikaw ang aking paa
Sa t'wing ako'y gagapang na
Ang dahilan ng aking paghinga

Kaya 'wag mag-alala, ipikit ang 'yong mata
Tahan na, pahinga muna, ako na'ng bahala
Labis pa sa labis ang 'yong nagawa
Papa, pahinga muna, ako na

La-ta-ra-ta-ra, la-ta-ra-ta-ra
La-ta-ra-ta-ra-ta-ra, la-ta-ra, la-ta
La-ta-ra-ta-ra, la-ta-ra-ta-ra
La-ta-ra-ta-ra-ta-ra, la-ta-ra, la-ta

Yeah, 'di ko na sasayangin pa'ng mga natitirang paghinga
Tutungo na kung sa'n naro'n ang mahalaga, woah
At kahit na kailan pa ma'y 'di mawawala 'pagkat dala ko ang mapa
Sa'n man mapunta, alam kung sa'n nagmula, woah

'Wag mag-alala, ipikit ang 'yong mata
Tahan na, pahinga muna, ako na

'Wag mag-alala, ipikit ang 'yong mata
Ta'na, pahinga muna, ako na'ng bahala (Woah)
Labis pa sa labis ang 'yong nagawa (Ooh-woah)
Ma, Pa, pahinga muna, ako na (Ako na)

La-ta-ra-ta-ra, la-ta-ra-ta-ra
La-ta-ra-ta-ra-ta-ra, la-ta-ra, la-ta
La-ta-ra-ta-ra, la-ta-ra-ta-ra
La-ta-ra-ta-ra-ta-ra, la-ta-ra, la-ta

Oh-oh, oh
Ma, Pa, ooh, Ma, Pa
Oh-oh-oh
Ma, Pa, pahinga muna, ako na