Retrospect

Pag-ibig Sa Tag-araw
Pag-ibig na sing-init ng tag-araw Suminag sa puso ko at pumukaw Parang apoy na lubhang pumapaso Init na nadarama ng buong-buo Pag-ibig o kay sarap namang damhin Sa labi o kay tamis nang idiin Sa wari mo'y lagi kang nasa ulap Parang buhay ay pangarap Mga araw ay kaybilis dumaan Puno ng lambingan puno ng suyuan Mga gabi na nakalalasing Ang buong diwa ko'y ginigising Sing-init ng tag-araw na pag-ibig Sadyang di magtatagal at lalamig Lahat ng bagay ay nagwawakas din Apoy man susuko sa ulan Gayon man ay di ako nagsisisi Salamat sa natikman kong pagtalik Walang kasing ganda ang naaalala Ginintuang pag-ibig sa tag-araw Isang tag-araw kay bilis dumaan Puno ng lambingan puno ng suyuan Puno ng lambingan puno ng suyuan Alaala ng nakakalasing Kahit kaila'y di lilimutin Aus Songtexte Mania